PAULO, NAGPADALA NG BOUQUET SA TRUE NAME NI KIM CHIU

By: Beth Gelena

Kinilig si Kim Chiu sa Valentine’s surprise ni Paulo Avelino.

Nakatanggap ng kasi ng bouquet of flowers ang chinita princess mula sa kanyang rumored boyfriend na sobra niyang ikinatuwa noong Valentine’s Day.


Imagine, ginamit ng aktor ang tunay na pangalan ng aktres kaya na-amaze si Kim at ibinahagi ito sa social media.

Maraming fans din ang kinilig sa matamis na palitan ng convo ng dalawa at nagbigay ng positibong reaksyon sa social media.

Ikinatuwa ni Kim Chiu ang isang espesyal na sorpresa.


“Sa legal papers ko lang nakikita totoong pangalan ko. Muntik ko na makalimutan sino si Kimberly! Ako pala ‘yun,” pabirong pahayag ng aktres, na nagdagdag ng sweet nilang convo ni Paulo.

Sa isa pang post, ipinakita ni Chiu ang natanggap niyang bouquet habang may nakangiti at masaya rin niyang binati ang fans ng “Happy Valentine’s Day!”


Kaya naman mas lalong nagmarami ang nag-abang sa kanilang paparating na proyekto.

Sa March 26 na ipalalabas ang movie ng KimPau na “My Love Will Disappear.”


Tags: KIm Chiu

You May Also Like

Most Read

Latest News