Latest News

Paulo Avelino, addict na sa amoy ni Kim Chiu

By: Gerry Ocampo

Kinilig ang fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa kanilang nakita na super sweet sa isa`t-isa ang dalawa.

Ipinost ng isang fan ang video ng KimPau kung saan kinarga ni Paulo si Kim.

Ang nasabing shot ay kuha mula sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN sa dalawa.

Ipina-reenact kasi ni MJ kina Kim at Paulo ang kilig scene sa “What’s Wrong with Secretary Kim” kung saan nga ay kinarga ng actor ang kanyang leading lady.

Kapansin-pansin sa video na tila nakahawakan ni Paulo ang kilikili ni Kim nang kanyang kargahin ang dalaga.

Sa video ay kitang-kita rin kung paano inamoy ni Paulo ang kanyang kamay pagkatapos nito.

Natural na super-react ang mga fans sa nakita sa video at imbes na madismaya ay aliw na aliw pa sila sa dalawa.

Inulan tuloy ang video ng komento mula sa netizens:

“Grabeeee ang love na yan, amuyan na. Ganyan talaga ang couple, gustong-gusto ang amoy ng bawat isa sa kanila.”

“Hahahaha! Grabeeee… nagawan talaga ng kuwento…Dami kong tawa dito but love it.”

“Simple dumiskarte ang isang Paulo Avelino.”

“HahHahahaa ta*na, mga fetish nito ni Paulooo, di ko kayaaaa.”

“Hahaha! Natawa ako dito Pau-Pau, ano ba yan… ang bangu-bango bah?”

”Na-addict na si Pau sa amoy ni Kim.”

Tags: ,

You May Also Like

Most Read