Pinapurihan ni Mayor Honey Lacuna ang mga personnel ng engineering department dahil sa patuloy na flushing at mopping operations kahit Sabado, batay sa kauna-unahang Executive Order niya pag-upo noong 2022 na nag-atas ng kalinisan sa buong lungsod.

PATULOY NA PAGTUPAD SA KAUNA-UNAHANG EO NI MAYOR HONEY NOONG 2022 PATUNGKOL SA KALINISAN, PINURI

By: Jerry S. Tan

NAGPAHAYAG ng pasasalamat at papuri si Mayor Honey Lacuna ang lahat ng kinauukulang local government units sa lungsod, dahil sa pagpapanatili ng tradisyon ng kalinisan sa buong Maynila.

Matatandaan na sa pag-uumpisa ng kanyang panunungkulan bilang alkalde noong 2022, ang kanyang kauna-unahang Executive Order na inisyu ni Lacuna ay ang paglulunsaid ng c’leanup campaign’ sa buong lungsod, na inumpisahan sa Manila City Hall at mga barangay.


Kaugnay niyan ay pnasalamatan ni Lacuna si Department of Engineering and Public Works head Engr. Moises Alcantara na ang mga kawani ay patuloy ang pagsasagawa ng cleanup operations sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod maski na araw ng Sabado.

Kabilang sa mga pinagtutuunan ng tuloy-tuloy na cleanup operations ang kahabaan ng Quezon Bridge, Liwasang Bonifacio at Lawton Underpass, Plaza Ruiz, Binondo, Plaza Miranda, Lagusnilad Vehicular Underpass mula sa harap ng National Museum hanggang Quirino Avenue, center island mula Quirino Avenue to Remedios Street, Malate, Plaza Sta. Cruz and Plaza Goiti (Plaza Lacson), Sta. Cruz, McArthur Monument at McArthur Bridge, Ermita, Mel Lopez Boulevard, Aroma center island, Roxas Street, Road-10, Delpan Pier Side, Zaragosa at kahabaan ng Moriones Street, at marami pang iba.

Ang mga regular na cleanup activities ay may kaakibat na flushing at mopping operations upang maalis ang mga nanikit nang dumi para na din sa mas madaling pagpapanatili ng kalinisan sa mga nilinisang lugar.


Samantala, nanawagan si Lacuna sa mga residente ng lungsod na gawin ang kanilang bahagi sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan sa kani-kanilang kapaligiran sa lahat ng oras.

Ani Lacuna, “Patuloy ang tulong-tulong na paglilinis ng pamahalaang-lungsod sa mga lugar sa Maynila upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa lungsod. Tuloy-tuloy ang paglilinis kahit Sabado para sa ating pamahalaang lungsod sa pangunguna ng Department of Engineering and Public Works.”


“Bukod sa pagsasaayos ng paving bricks ng Plaza Sta. Cruz at pagpipintura at paglinis ng perimeter fence ng Plaza Goiti, patuloy din ang pagsasaayos ng McArthur Monument sa McArthur Bridge sa Ermita ng pamahalaang-lungsod ng Maynila sa pangunguna ng DEPW,” dagdag pa ni Lacuna.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like