Latest News

PATONG SA ULO NG MSU BOMBERS

By: Victor Baldemor Ruiz

MATAPOS na magsampa ng kasong criminal ang Philippine National Police laban sa kasabwat ng mga sangkot sa Mindanao State University ay naniniwala ang mga awtoridad na mapapabilis ang pagdakip nila sa mga ito matapos na mag-aalok ng Php 1 milyon patong sa ulo ng mga suspek .

Nabatid na naglaan ng P1 milyong pabuya ang PNP para sa makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan at pagkakakilanlan ng 2 lalaking tinukoy nilang persons of interest (POI) sa pagpapasabog sa gym ng Mindanao State University sa Marawi noong December 3.

Una rito inihayag ni Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region Director Brig Gen Allan Nobleza na sinampahan na nila ng kasong kriminal ang sinasabing kasabawat na si Jaffar Gamo Sultan alyas Kurot na nahuli ng militar.


Ayon kay PNP PIO Acting Chief Col. Jean Fajardo, bukod sa isang milyong pisong pabuya, naglabas na rin ng hotline ang PRO BAR na maaaring tawagan sa makapagbibigay ng impormasyon sa 2 POIs.

Magugunitang kinilala ng PNP ang dalawang POI na kanilang pinaghahanap na sina Kadafi Mimbisa alyas Engineer at Arsani Membisa alyas Lapitos na pawang mga miyembro umano ng Dawlah-Islamiyah Maute Group na posibleng may kinalaman din sa pagpapasabog sa MSU.


“Meron na rin P1 million reward na inilabas for the immediate identification nitong 2 POIs natin. So by publishing these pictures, please help us para Madali natin matunton ang kinaroroonan nitong mga POIs na ito.

At kaugnay nito ay naglabas din hotline ang PRO BAR para kung meron man kayong information that would lead to the identification of these 2 POIs whom we believe and we have reasonable ground maliban kay engineer at Lapitos ang involved sa naging pagsabog sa MSU,” ani Fajardo.


Sa isang pulong balitaan na ginanap sa Camp Crame sa Quezon City ipinakita ni Fajardo, ang ilang mga kuha ng cctv footages kung saan nahagip ang 2 dalawang POIs kung saan makikita na na may dalang itim na bag ang isang lalaki na pinaniniwalaang may laman ng bomba.

Nakita din sa CCTV na pagpasok sa MSU at paglabas ng POIs sakay ng motorsiklo matapos ang pagsabog.

Nahuli naman sa bisa ng warrant of arrest ng mga operatiba ng Special Investigation Task Group Dimaporo Gymnasium Explosion ang dalawa pang personalidad na mayroong pending na murder cases sa Marawi City.

Sinasbing ang mga ito ang kumanlong sa dalawang persons of interest na sina Cadafi Mimbesa alyas Engineer at Arsani Mimbesa alyas Lapitos.

“Ang pinaniniwalaan natin ito ay mga miyembro ng DI Maute group at titingnan natin kung ito ba ay mainvolvement sa MSU dahil according to some information that we received after the incident ay dito sa area tumakbo at nagtakbo sina engineer,” ni Fajardo.

We received information na itong si Jafar doon sa kanyang bahay nag meeting at nagplano sina engineer at Lapitos para pagpalanuhan ang gagawing pagpapasabog sa MSU.”

Aminado naman ang PNP na hamon ngayon sa kanila ang pagtukoy at pag beripika sa totoong pagkakakilan ng mga sangkot sa pagpapasabog sa MSU sa Marawi noong December 3.

You May Also Like