PATONG-PATONG NA KASO, ISINAMPA NG NBI VS GUO

By: JANTZEN ALVIN

NAGSAMPA ang National Bureau of Investigation (NBI) ng patong-patong na kaso sa Department of Justice (DOJ) laban sa dinismis na Bamban,Tarlac Mayor Alice Guo, matapos na mapatunyang hindi sa kanya ang lagda sa kanyang notarized counter-affidavit.


Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, kabilang sa mga kasong falsification by a notary public, use of falsified documents, perjury at obstruction of justice sa mga isinampang kaso laban kay Guo, Atty. Elmer Galicia, abogado na nag-notarize ng kanyang counter-affidavit, at tatlong iba pa.

Sinabi ni NBI Task Force Alice Guo head agent Palmer Mallari na base sa resulta sa eksaminasyon, hindi si Guo ang lumagda sa kanyang counter-affidavit, taliwas sa kanyang testimonya sa pagdinig ng Senado noong Setyembre 17,2024.

Ani Mallari, kumolekta ang NBI ng “sample specimen” ng original na pirma ni Guo sa ilang dokumento sa Bamban at ikinumpara ito sa lagda sa kanyang counter-affidavit .


“After the examination… it was proven that the sample signatures appearing on those documents as compared to the supposed signature appearing on the counter-affidavit were actually not written by one and the same person,” ayon kay Mallari.

“So basically, what this actually means is that iba po ang pumirma doon sa counter-affidavit,” dagdag pa nito.


Samantala, nagsampa rin ng quo warranto petition laban kay Guo sa Manila regional trial court, gayundin ng petisyon na makansela ang kanyang birth certificate sa Tarlac court.

Bukod diyan ay nahaharap din si Guo sa reklamong tax evasion at 87 counts ng money laundering sa DOJ.


Tags: Alice Guo

You May Also Like

Latest News