Latest News

Patient Transfer Vehicle mula sa PAGCOR, tinanggap ng BuCor

Inihayag ng Bureau of Corrections (BuCor) na mas mapapabilis ang agarang pagtugon sa medical emergency sa loob ng correctional facility para sa kapakanan ng mga bilanggo.

Ito ang pahayag ni BuCor director general Gregorio Pio Catapang, Jr. matapos tanggapin ang donasyon ng Patient Transfer Vehicle mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).


Ayon kay Catapang, malaking tulong sa kanilang operational capabilities ang mga naturang donasyon.

Ang turnover ceremony ay ginanap sa tanggapan ng PAGCOR sa Pasay City, na simbolo ng isang makabuluhang partnership sa pagitan ng dalawang ahensya na naglalayong mapabuti ang pangangalaga sa mga bilanggo at transport logistics.

Ang mga sasakyang ito ay makakatulong umano sa paghahatid ng mga bilanggo na nangangailangan ng atensyong medikal para matugunan kaagad sila.


Bukod sa transfer vehicle, naghatid din ang BuCor ng dalawang patrol cars sa Iwahig Prison Farm sa Puerto Princesa, na donasyon naman mula sa tanggapan ni Senador Erwin Tulfo.

Ang mga patrol cars ay tutulong sa mga tauhan ng kulungan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa malawak na pasilidad ng Iwahig preson and penal farm.


Tags: Bureau of Corrections (BuCor)

You May Also Like

Most Read