PATAY SA LPA AT SHEARLINES, 28 NA

Umakyat na sa 28 ang bilang ng mga nasawi sa malawakang pagbaha sa buong bansa dulot ng masamang panahon, ayon sa datos ng Department of National Defense –National Disaster Risk reduction Management Council (DND-NDRRMC).

Sa pinakahuling ulat ng NDRRMC kahapon ng umaga nasa higit 1,397, 296 katao o mahigit 347,105 pamilya ang naapektuhan ng serye ng mga low-pressure area at ang shear line mula noong Enero 2, kung saan 11 sa kanila ang nasugatan at 3 ang nawawala pa rin.


Isa pang 211,940 katao o mahigit 55,774 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa pagbaha matapos mapilitang lumikas sa kanilang mga tahanan

Dagdag dito, walong lungsod at bayan na ang isinailalim sa state of calamity.

Nasa P274,100.870.00 ang pinsala sa agrikultura, habang tinatayang nasa P171 milyon naman ang pinsala sa imprastraktura at nasa 1,307 bahay din ang nasira dahil sa sama ng panahon.


Kaugnay niyan, nagpaabot na ang gobyerno ng Pilipinas ng tulong na nagkakahalaga ng may P31.6 milyon sa mga apektadong residente.

Una na rito, ang mga lokal na awtoridad sa kalamidad, kasama ang opisyal mula sa Office of Civil Defense (OCD), ay binabantayan din ang sitwasyon, na may mga search and rescue team na naka-deploy dahil pa rin sa maaaring pinsala na dulot ng sama ng panahon. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


 


Tags: Department of National Defense –National Disaster Risk reduction Management Council (DND-NDRRMC)

You May Also Like