Latest News

PATAY KAY PAENG NASA 72 NA; 18, NAWAWALA

UMAKYAT na sa 72 ang bilang ang inulat na nasawi habang nasa 18 ang nawawala bunsod ng pananalasa ng Tropical Storm Paeng sa mga lalawigan ng Mindanao at Visayan region.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council sa ginanap na pulong balitaan kahapon ng umaga ay nasa 45 pa lamang ang kanilang validated death toll sanhi ng Bagyong Paeng.

Sa 45 validated deaths, 40 rito ay mula BARMM sa Maguindanao area at karamihan nito ay sanhi ng landslides, tatlo mula sa region 12 dalawa mula sa region 6.


Nagkaroon ng landslide sa Datu Blah Sinsuat at yung iba flooding generally area ng Nrthern Maguindanao

Nasa 33 ang bilang ng mga nasaktan at 31 dito ang galing sa BARMM habang dalawa naman ang galing sa Region 12.


May 15 ang nawawala sa Maguindanao, habang tatlo sa Sultan Kudarat.

Sa situational report na ibinahagi ng NDRRMC nasa 84,161 katao o 49, 767 families mula Region 5,6,7,9,11,12,CARAGA at BARMM ang apektado ng bagyo.


Nasa 8,247 persons o 2, 211 pamilya ang inilikas mula sa 194 areas flooded, samantalang nasa 57 roads at 12 bridges ang deneklarang hindi maaaring daanan, habang suspendido naman ang operation ng may 585 seaport.

Ang estimated damage sa infrastructure at agriculture ay inilalagay muna sa P54 million.

Ipinaliwanag ni Department of National Defense Officer in Charge, Senior Undersecretary Jose Faustino na may mga pangyayaring nago-overcount mula sa ground kaya nagkakaroon ng magkakaibang ulat hinggil sa bilang ng casualties.

Una rito ay may ulat na 72 ang bilang ng mga napaulat na nasawi dahil sa Bagyong Paeng, kung saan 67 ang galing sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM,) tatlo ang galing sa Region 12 at dalawa ang galing sa Region 6.

Mayroon namang 14 na naiulat na nawawala kung saan 11 ang nawawala sa BARMM at 3 naman ang mula sa Region 12.

Paliwanag naman ng NDRRMC, hinggil sa naganap na pagbuhos ng malakas na pag ulan sa Mindanao, “Kung titignan yung track ng bagyo hind talaga affected ang Mindanao, like Mindanao is not in the direct path ng Paeng but before pumasok meron nagbigay ng maraming ulan sa Maguindanao even so nagraise na tayo ng alert sa Maguindanao.”

“Itong Maguindanao is catch basin, kung alam niyo ang liguasan marsh lagi bumabaha sa area at anticipated yon. Ang nangyari is yung hazard from highlands because of sobrang dami ng binuhos na ulan nagkaroon ng landslide sa coastal areas na hindi dating binabaha. Hindi tayo nagkakaroon ng disasters sa mga lugar na ito. They prepared for it lalo na yung normal na binabaha they conducted preemptive evacuation,” dagdag nito.

Pinangangambahang magkakaroon ng malaking bilang ng casualties at damages sa Barangay Kusiong area, boundary ng Datu Odin at Datu Blah na isang Coastal area matapos na ma washout ito ng tubig baha at pagguho ng lupa. (VICTOR RUIZ BALDEMOR)

Tags: National Disaster Risk reduction Management Council

You May Also Like

Most Read