PATAY KAY PAENG 154 NA

UMAKYAT na sa 154 ang napaulat na nasawi sa pananalasa ng Bagyong Paeng sa mahigit 50 lalawigan ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa inilabas na datos ng NDRRMC kahapon ng umaga, pinakamarami sa napaulat na nasawi ay nagmula BARMM na nasa 63 katao.


Tatlumpo’tatlo rito ay galing sa Region 6 at Calabarzon, lima ang galing sa Region 8, tig-apat galing sa Region 9 at Region 12, tatlo ang galing sa MIMAROPA, tig-dalawa mula sa Region 2, Region 3, Region 5, Region 7 at isa mula sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa nasabing bilang, 101 ang kumpirmadong nasawi na may kinalaman sa bagyo habang 53 ang itinalang for validation pa, ayon pa sa nasabing ahensiya.

Maliban dito, may napa-ulat din na 128 nasaktan at napaulat na 35 nawawala dahil sa Bagyong Paeng na pinangangambahang mapabilang sa casualties.


Ito ay makaraang ihayag ng mga awtoridad na malabo ng may makuha pang buhay sa mga sinasabing nawawala na natabunan bunsod ng mga naganap na landslides o tinangay ng naganap na flash floods.

Dahilan upang ihinto na ng Bangsamoro government ang search and rescue operations sa mga barangays lubhang hinagupit ng Bagyong Paeng matapos ideklara na malabo ng makapag retrieve pa ng mga survivors.


Sa pahayag ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Ministry of Interior and Local Government Minister Naguib Sinarimbo, kanilang napagdesisyunan na itigil na ang search, rescue and retrieval operations dahil halos isang linggo na itong isinagawa at ang tiyansa na makapag rekober ng survivors ay malabo na.

Kaugnay nito ay inirerekomenda rin ni 6th ID Commander MGen. Roy Gallido na demobilized na ang itinayong Incident Command Post sa Barangay Kusiong.


Samantalang mananatili naman ang mga naka deploy na heavy equipment sa area para maisaayos ang lugar at gumawa ng pathway kung saan pwede dumaan ang tubig ulan at hindi mag over flow.

Ayon pa kay Sinarimbo kasalukuyang naka pokus sila ngayon ang kanilang relief at clearing operations.

Iniulat din ni Sinarimbo na naka pokus ang kanilang clearing operations sa mga tinaguriang critical bridges at mga daan na nagkaroon ng mga landslides. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)



Tags: National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)

You May Also Like