Latest News

PATAY KAY KRISTINE NASA 150 NA, 29 PA MISSING; NDRRMC-OCD, RED ALERT PA RIN

By: Victor Baldemor Ruiz

UMAKYAT na sa 150 ang bilang ng mga napaulat na nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong ‘Kristine’ sa bansa, habang may 29 siyam na katao pa ang nawawala.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 14 pa lamang sa napaulat na casualties ang kanilang na-validate habang nasa 115 naman ang bilang ng mga sugatan .

Samantala, higit 1.8 milyon pamilya o katumbas ng mahigit 7.4 milyon indibidwal ang apektado ng bagyo mula sa 10,921 na mga barangay sa Region 1 (Ilocos Region) Region 2 (Cagayan Valley), Region 3 (Central Luzon) CALABARZON, MIMAROPA, Region 5 (Bicol) Region 6 (Western Visayas) Region 7 (Central Visayas) Region 8 (Eastern Visayas) Region 9 (Zamboanga Peninsula) Region 10 (Northern Mindanao) Region 11 (Davao Region) Region 12 (SOCCSKSARGEN) CARAGA, BARMM, CAR at NCR.


Sa nasabing bilang, mahigit 330,000 indibidwal pa rin ang pansamantalang nanunuluyan sa 2,081 evacuation centers sa bansa.

Sa ngayon, tumaas pa sa 211 na siyudad at munisipalidad ang nasa ilalim ng State of Calamity.

Kaugnay nito, nasa ?900 milyon na ang halaga ng tulong na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa mga apektadong residente na kinabibilangan ng family food packs, damit, gamot at marami pang iba.

Samantala, nanatiling naka-red alert pa rin ng NDRRMC at kanilang mga operating arms sa pangunguna ng Office of Civil Defense at maging ang Armed Forces of the Philippines, na inatasang paigtingin pa ang kanilang pagsasagawa ng search, rescue at relief efforts sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Kristine at naapektuhan ng bagyong Super Typhoon Leon.


Ginawa ng AFP ang naturang pahayag kasunod ng banta ng super typhoon Leon sa ilang lugar sa hilagang bahagi ng Luzon partikular na sa lalawigan ng Batanes.

Sa isang pahayag, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na bitbit ang umabot sa 4,000 mga kagamitan ay patuloy pa ring naka-deploy ang kanilang 2,690 Search, Rescue and Retrieval Team.

Nanindigan ang AFP na hindi sila titigil sa pagharap sa anumang kalamidad para iligtas ang mga nangangailangan na Pilipino kahit ngayong ginugunita ng sambayanang Filipino ang All Saints at all Souls Day sa buong bansa.


Tags:

You May Also Like

Most Read