Latest News

Pasyente, tumalon sa Ospital ng Tondo, patay

Patay ang isang 58-anyos na lalaking pasyente sa Ospital ng Tondo matapos na tumalon mula sa bintana sa Ika-apat na palapag, kahapon ng madaling araw sa Jose Abad Santos,Tondo,Maynila.

Lasog-lasog at namatay noon din ang biktimang si Jerry De Guzman, residente ng 1139 B.Vargas St.Tondo.dahil sa.matinding pinsalang tinamo nito.

Sa imbestigasyon ni PSMS Jason Ibasco ng Manila Police District -homicide section, nangyari ang pagpapakamatay ng biktima ala-1:15 ng madaling araw.


Ayon kay Roel Abella,stepson ng biktima, nakahiga sa kanyang hospital bed ang biktima nang bigla itong nagtatakbo papuntang bintana at saka biglang tumalon.

Napag-alaman kay Marlyn Punzalan, kapatid ng biktima, na una na umano itong nagtangkang magpakamatay kelan lamang pero napigilan.


Inaalam pa ng pulisya ang dahilan nang pagpapakamatay ng biktima. (Philip Reyes)


Tags: Ospital ng Tondo

You May Also Like

Most Read