Pastor Quiboloy sadya lang madulas; PNP, WALANG FAILURE OF INTELLIGENCE

By: Victor Baldemor Ruiz

Nilinaw ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na tuloy-tuloy ang ginagawang law enforcement operation ng mga awtoridad laban sa puganteng lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy, ang self-declared appointed son of God.

Ito ang naging reaksyon ng PNP sa naging pahayag ni Senator Risa Hontiveros na may ‘failure of intelligence’ umano sa hanay ng pambansang pulisya kaya hindi matukoy-tukoy ang kinaroroonan ni Quiboloy.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, tuloy-tuloy ang ginagawa nilang validation sa mga impormasyong natatanggap nila hinggil sa mga posibleng pinagtataguan ni Quiboloy. Nilinaw pa ng PNP na hindi limitado sa Davao City ang ginagawang manhunt operation laban kay Quiboloy.


Magugunitang inihayag ni Hontiveros na posibleng may failure of Intelligence sa hanay ng PNP kaya hindi madakip si Quiboloy, kaya’t muli itong nanawagan kay PNP chief General Rommel Francisco Marbil na doblehin ang pagkilos para sa agarang pag-aresto kay Quiboloy na inisyuhan na ng tatlong warrants of arrest.

Sinasabing base sa mga lumabas na ulat, may 19 na mamahaling hig- powered firearms si Quiboloy.

Sinabi ni Fajardo na base sa pakikipag-ugnayan nila sa Bureau of Immigration (BI) ay nananatili pa si Quiboloy sa Pilipinas.


Tags: Pastor Apollo Quiboloy

You May Also Like

Most Read