Arestado sa mga tauhan ng Manila Police District -Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) kahapon ng hapon ang isang 46-anyos na pastor matapos ireklamo ng isang 15- anyos na dalagita ng panghahalay at panggagahasa noong 2019 sa Caloocan City.
Ayon kay SMaRT chief P Major Edward Samonte, ala-1:50 ng hapon nang maaresto ang pastor na si Michael Moreno sa kanyang bahay sa Blk 5 Lot 17, Samattad Compound, Tanigue Street, Dagat-Dagatan, Caloocan City.
Ang suspek ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Glenda Cabello Marin ng Caloocan Regional Trial Court, Branch 124, noong Setyembre 7, 2023.
Walang inirekomendang piyansa ang hukom sa kasong rape sa ilalim ng Article 266-A Par. 1(A) in relation to Article 266-B ng Revised Penal Code, habang pinagpipiyansa naman ang suspek ng P200,000 sa kasong crimes of lascivious conduct under Sec. 5 (B) of R.A. 7610 with P200,000 at Acts of Lasciviousness , Php36,000.00.
Nabatid na ang biktimang si Ann,na ngayon ay 19 anyos na ay nagtungo sa SMaRT kasama ang kanyang ina at humingi ng police assistance para sa implimentasyon ng warrant of arrest.
Kaagad na nagkasa ng operasyon at kaagad naman nakita ang suspek nang magtungo ang mga pulis sa bahay nito na naging dahilan ng kanyang pagka aresto.
Nalaman kay Samonte na maging ang ka-live in ng suspek ay kinasuhan rin ng conspiracy at nakakalaya lamang sa pamamagitan ng piyansa.
Nabatid na pinagsamantalahan umano ng suspek ang biktima nang iwan ito sa kanilang bahay para yayain na sumamba.














