Latest News

PASSENGER VESSEL SUMADSAD, 168 SAKAY NA-RESCUE NG PCG

By: Victor Baldemor Ruiz

NASA 168 na sakay ng isang passenger vessel ang na-rescue ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard matapos na sumadsad sa karagatang sakop ng lalawigan ng Romblon, ayon sa mga awtoridad kahapon.

Ayon sa ulat, tumugon sa distress call ang mga tauhan ng coast guard mula sa passenger vessel na MV SWM Salve Regina.

Sinasabing sumadsad ang barko bandang alas- 11:45 magha-hatinggabi ng Linggo sa bisinidad ng Sitio Agbuyog, Barangay Capaclan Romblon, Romblon


Ang barko na may 55 tripulante ay naglayag mula sa Magdiwang Port sa Romblon, at patungo sana sa Romblon City .

Agad na naglunsad ng rescue and evacuation operation ang Coast Guard Station Romblon matapos na matanggap ang ulat hinggil sa nasabing pagsadsad ng barko.

“All 168 passengers were safely brought to Romblon Public Plaza, while the 55 crew members, including the master of the ship, stayed at MV SWM REGINA for vessel monitoring,” ayon pa sa Coast Guard , na nagsabing: “all are in good physical condition.”

Tiniyak naman ng mga awtoridad na walang nakitang palatandaan na nagkaroon ng oil spillage sa lugar kung saan sumadsad ang barko.


Tags: Philippine Coast Guard (PCG)

You May Also Like

Most Read