KINUMPIRMA ng Philippine Coast guard na nasa 163 pasahero mula sa nasunog na passenger vessel na ikinamatay ng isang pasahero ang kanilang nasagip nang magliyab ang MBCA Mama Mary Chloe kamakalawa ng hapon sa habang naglalayag sa dagat sakop ng Bohol at Leyte.
Sa unang ulat , sinasabing nasunog ang MBCA Mama Mary Chloe na may sakay na 166 katao habang nasa karagatang sakop ng Bohol at Leyte.
Mabilis namang na respondehan ng Philippine Coast Gurad ang natanggap na distress call at agad na nagsagawa ng rescue operation katuwang ang isang passenger motor banca at maliliit na sea vessel.
Napag alamang nag mula sa Ubay, Bohol ang naturang passenger vessel at patungo sana sa bayan ng Bato, sa Leyte.
Ilan sa mga nasagip ng mga rumespondeng ay dinala pansamantala sa Hilongos, Leyte matapos ma-rescue ng passenger motor banca at isa pang mas maliit na vessel.
Sinabi ni PCG Spokesperson Commodore Armando Balilo na nasa 165 ang karga ng naturang vessel base sa manifesto.
Kabilang na rito ang 142 adults at 15 na mga bata at mga crew members.
Ang naturang vessel ay puwde raw magkarga nang hanggang 236 passengers.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa posibleng sanhi ng pagkasunog ng vessel, habang pinaghahanap naman ang isang inulat na nawawala sa bisinidad ng Brgy Tugas at Brgy Tilmobo Bohol.
Of the rescued passengers, 99 were sent to Hilongos, Leyte; 25 to Tugas, Carlos P Garcia in Bohol; and 37 in Gaus Island. An additional 2 who were thought to be missing showed up at the coastguard’s staging area to identify themselves. All 8 crew members were also rescued, ani Balilo. (VICTOR BALDEMOR)














