PASSENGER VESSEL NA BUMANGGA SA FISHING BOAT, TUKOY NA NG PCG; ISA SA 28 TRIPULANTE, NAWAWALA PA

By: Victor Baldemor Ruiz

PATULOY na hinahanap pa ang isa nawawalang tripulante ng nabanggang fishing boat noong Linggo ng umaga sa Mansalay, Oriental Mindoro.

Kasabay nito ay natukoy na rin ng Philippine Coast Guard kung anong barko ang responsable sa nasabing sea collision .


Ayon kay Capt. Airland Lapitan, hepe ng PCG-Oriental Mindoro station, ang MV 2GO Masigla ng 2GO Sea Solutions ang siyang nakabangga sa FB John Michael.

Kaugnay nito ay naghain na ng ‘marine protest’ ang kapitan ng nasabing barko sa PCG General Santos City.

Magugunitang isa ang nawawala habang 27 iba pang mangingisda ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) makaraang banggain ang kanilang fishing boat sa katubigan humigit-kumulang 14 hanggang 16 nautical miles mula sa bayan ng Mansalay.


“Hindi rin sila makapag-maneuver kasi nga meron silang mga hatak-hatak na mga lambat. So nu’ng nakita nila ‘yung barko, nagtalunan po sila lahat,” sabi ni Captain Airland Lapitan, acting commander ng Coast Guard Station Oriental Mindoro.

Iniulat ng Coast Guard na ilang bahagi lamang ng bangka ang nasira at hindi ito lumubog kaya ligtas na nakabalik ang mga mangingisda sa sasakyang-pandagat.


Gayunman, ang 20-anyos na mangingisda ay hindi pa makita kaya naman patuloy ang isinasagawang search and rescue ng coast guard.

Samantala, katwiran naman ng lapitan ng passenger vessel na may iniwasan siyang lambat kaya nangyari ang insidente.


“Lalabas naman sa imbestigasyon. Iniwasan mo yung lambat, pero yung bangka na mas malaki hindi mo iniwasan?” wika ni Lapitan.

Tags: Philippine Coast Guard

You May Also Like