SUSPENDIDO ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa Martes, isang araw matapos ang May 9, 2022 local at national elections.
Batay ito sa inilabas na Executive Order No. 46, Series of 2022 na nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno nitong Sabado.
Ito’y matapos hilingin ng Commission on Elections (Comelec) na ideklarang non-working holiday ang City of Manila para bigyang-daan ang concerned stakeholders, poll workers at Manila Board of Canvassers sa kanilang post election activities kaugnay sa eleksyon.
Dahil dito, dalawang araw na sarado ang mga ‘departments, bureaus and offices” sa Manila City government dahil ang Mayo 9- araw ng halalan na deklaradong special non working holidays ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunman, nakasaad sa kautusan na ang mga frontline services kabilang ang preace and order, public services, trafficv enforcement, disaster and rsik reduction management, health, at sanitation ay inaasahang patuloy ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko. (Carl Angelo)