PASLIT NA BABAE, PATAY NANG MAHULOG SA BALKONAHE NG CONDO SA MALATE

By: Baby Cuevas

Nasawi ang isang tatlong-anyos na babaeng anak ng isang kasambahay, matapos na mahulog sa balkonahe ng tinutuluyang condominium unit sa Malate Bayview Mansion, Lunes ng umaga.

Ang bata ay nakita ng kanyang ina sa balkonahe na ng ikawalong palapag, nang mahulog ito mula sa Unit 16 ng 16th floor ng nabanggit na condominium., dakong alas- 10:30 ng umaga.


Sa imbestigasyon ni PMSg Archie Victorino ng Manila Police District – Homicide Section, huling nakitang buhay ang paslit na natutulog kasama si Hoyeon Jeong, 43, barbero at kasama sa unit ng biktima .

Iniwan umano ni Jeong ang batang natutulog at bumaba sa ground floor para magtrabaho.

Gayunman, hindi nakita ng ina ang anak nang pumasok sa condo kaya nagpasya itong pumunta sa balkonahe at doon na nga niya nakita ang anak na nakahandusay sa balkonahe naman sa 8th floor.


Kaagad na pinuntahan ng ina ang anak at isinugod sa ospital kung saan ito ay idineklarang patay ng mga doktor alas -11:30 ng umaga sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read