Latest News

Pasaporte ni Teves, kinansela ng Manila Regional Trial Court

By: Philip Reyes

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na inaprubahan ng Manila Regional Trial Court ang kanselasyon ng pasaporte ni dating Negros Oriental Rep Arnolfo “Arnie” Teves, Jr.,kasunod ng kontrobersiyal na pagpaslang kay provincial governor Roel Degamo at ilang sibilyan.

Ang pagkansela sa pasaporte ni Teves ay inaprubahan noong Pebrero 8 ,2024 ng Manila Regional Trial Court Branch 51.

Sanhi nito,inatasan ng korte ang Department of Foreign Affairs (DFA)na kaagad kanselahin ang pasaporte ni Teves, habang inatasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na ibalik sa bansa si Teves.

Sinabi ng DOJ na nagpalabas ng kautusan ang korte na sa kabila nang ginagarantiyahan ng Konstitusyon ang kanyang karapatan na makabiyahe, ang naturang karapatan ay alinsunod sa legal restrictions.

“The severity of the charges against Teves, coupled with his classification as a terrorist by the Anti-Terrorism Council, justified the cancellation of his travel documents,” ayon sa DOJ.

“The pursuit of justice remains steadfast and unyielding. We will not allow individuals charged with heinous crimes to evade the legal process,” saad ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Unang napaulat na nakita si Teves sa Cambodia at Timor-Leste.

Tags:

You May Also Like

Most Read