PASAHERONG MAY KUTSILYO, NAGWALA SA ILOILO AIRPORT, NABARIL

By: Jerry S. Tan

Sa ospital bumagsak ang isang 54-anyos na lalaking pasahero nang ito ay barilin dahil sa pagwawala sa loob ng Iloilo International Airport matapos makitaan ng kutsilyo sa bagahe.

Naganap ang insidente nitong Miyerkules ng hapon, nang isailalim ng pasahero ang kanyang bagahe sa security x-ray machine. Patungo ito ng Cebu City.


Nang makita ang kutsilyo sa loob ng kanyang bagahe at sinabi dito na kailangang inspeksyunin nang mano-mano ang kanyang bagahe ay bigla umanong hinila ng pasahero ang kanyang bag mula sa tunnel ng x-ray, ani gilbert Cruz, hepe ng Office for Transportation Security (OTS).

Habang tumatakbo ay kinuha umano ng pasahero ang kutsilyo mula sa kanyang bag at iwinasiwas ito sa mga pulis na papalapit para siya ay awatin.

Dahil diyan ay nagkagulo ang mga pasahero sa takot, hanggang sa mabaril ang suspek upang patigilin ito sa pagwawala habang may hawak na kutsilyo.


Siya ay dinala sa ospital upang lapatan ng lunas, habang patuloy ang imbestigasyon.


Tags: Office for Transportation Security (OTS)

You May Also Like