Latest News

PASAHERO, KINASUHAN SA PEKENG DEPARTURE STAMP

By: Baby Cuevas

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa R.A. No. 8239 o ang Philippine Passport Act ng National Bureau of Investigation – International Airport lnvestigation Division (NBI-IAID) ang isang pasahero matapos mahuling may pekeng departure stamp.

Sa ulat ng Bureau of Immigration, Republic of the Philippines (BI) – Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES), nadiskubre ang pekeng stamp nang suriin nila ang pasaporte at tingnan ang kanilang Centralized Query Support System (CQSS)/

Napag-alaman na walang rekord ang nasabing pasahero palabas ng bansa noong ika-9 ng Oktubre 2023, ngunit mayroon siyang Philippine Immigration departure stamp na nakalagay sa kanyang pasaporte sa nasabing araw.


Ayon sa BI Anti-Fraud Section’s Document Examination Laboratory, nakumpirmang peke ang nasabing departure stamp at bilang karagdagan ay nakita nila sa kanilang CQSS ang kanyang pagdating mula sa Malaysia noong ika-14 ng Oktubre 2023.

Inendorso ng BI sa Ninoy Aquino International Airport Task Force Against Trafficking – Inter-Agency Council Against Trafficking (NAIATFAT-IACAT) ang pasahero nang napag-alamang may pagkakaiba sa kanilang rekord at sa pasaporte nito.


Nasa kustodiya ngayon ng National Bureau of Investigation Detention Center ang pasahero matapos maaresto at sumailalim sa Inquest Proceedings sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Samantala, hinihimok ng IACAT ang publiko na maging mapagmatyag sa mga gumagawa ng pekeng dokumento upang makalabas ng bansa at i-report sa 1343 Actionline against Human Trafficking ang anumang kahina-hinalang aktibidad na may kinalaman sa human trafficking.


Tags: National Bureau of Investigation – International Airport lnvestigation Division (NBI-IAID)

You May Also Like

Most Read