PARTY DRUGS NASABAT NG BOC AT PDEA SA POST OFFICE

By: Victor Baldemor Ruiz

NAHARANG ng mga ahente ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency ang mahigit sa 500 piraso ng Ecstasy tablets na idinaan sa parcel service ng Philippine Postal Corporation na nasa 2nd Bonifacio Drive , Port Area, Manila.

Ang 503 piraso ng party drugs na nagkakahalaga ng P855,000 ay naharang sa Surface Mail Exchange Department o SMED ng Philpost na nakapaloob sa ordinaryong inbound parcel na nagmula naman sa Germany.


Wala ni isang suspek ang nahuli sa operasyon, subalit tiniyak ng PDEA na magsasagawa sila ng mas malalim na imbestigasyon kung sino ang nasa likod ng naharang na droga at kanilang mga contact dito sa Pilipinas.

Ang lahat naman ng nakumpiskang kontrabando ay hawak na ng PDEA Laboratory Service para sa confirmatory testing.

Ang pagkakaharang sa kontrabando ay sa koordinasyon ng PDEA Regional Office–NCR Special Intelligence Unit–Ports of Manila (SIU-POM) sa PDEA Regional Office–NCR Manila District Office at SMED ng Philippine Postal Corporation.


Nasamsam ang P855,100 halaga ng mahigit 500 piraso ng ecstasy tablets mula sa isang inbound parcel sa Manila Postal Facility.

Nakapaloob ang mga tablet sa isang packet parcel na nagmula sa Germany at nakapangalan sa isang consignee sa Caloocan City.


Walang nahuling suspek sa operasyon, ngunit isinasagawa na ang malalimang imbestigasyon upang matukoy ang nasa likod ng shipment at ang kanilang kontak sa bansa.


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency – Seaport Interdiction Unit (PDEA-SIU)

You May Also Like