PAROLA, NASUNUGAN NA NAMAN

By: Baby Cuevas

DI pa man nakakabangon sa huling sunog sa kanilang lugar, muling nabiktima ng isa pang sunog ang mga residente ng Parola.

Kahapon ng tanghali ay muli na namang nilamon ng apoy ang mga naitayong bahay sa Gate 54 Parola Compound, Binondo, Maynila.

Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), alas- 12:11 ng tanghali nang magsimula ang sunog na umabot sa ikatlong alarma at tuluyang naideklarang ‘fireout’ ala- 1:32 ng hapon.


Itinatayang may 30 kabahayang gawa sa light materials ang natupok sa naganap na sunog.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa naganap na sunog, habang patuloy na inaalam ng arson division ang sanhi ng sunog.


Tags: Manila Bureau of Fire Protection.(BFP)

You May Also Like

Most Read