Tinanggal sa pagka-Pari ni Pope Francis ang Isang Filipino priest matapos na masangkot sa pang-aabuso diumano ng isang menor de edad sa seminaryo.
Ang desisyon ni Pope Francis na pag-expel kay Pio Cultura Aclon ay ini-anunsiyo nitong Linggo ng clerical state sa pamamagitan ng Diocese of Borongan.
“He is, therefore, no longer a cleric and cannot exercise priestly ministry in the Church,” nakasaad sa circular ng diocese.
Ang advisory ay binasa sa lahat ng parish churches, chaplaincies at chapels ng diocese.
Nabatid na si Aclon ay huling nagsilbi sa minor seminary sa Borongan bago sinuspinde ng diocese sa kanyang clerical duties.
Paulit-ulit naman na humingi ng paumanhin si Pope Francis sa ginawang pang-aabuso ng pari.
Tiniyak din ni Pope Francis na papapanagutin ang paring nang-abuso at makakamit ng biktima ang hustisya.
Tiniyak naman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na walang magaganap na cover up sa kasong ‘sexual abuse’ na ginawa ng pari.
Bumuo rin ang CBCP ng tanggapan na magbibigay ng proteksiyon sa mga menor de edad laban sa mga pang-aabuso ng pari.