Latest News

Pari, bawal gamitin ang pulpito sa pulitika — CBCP

NAGPAALALA ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga pari na huwag gamitin ang kanilang ‘pulpito’ sa pamumulitika dahil ito ay ginagamit lamang sa proklamasyon sa mga salita ng Diyos.

“But of course, when you announce the good news, it has implications about political life. We cannot separate faith and our societal life. But don’t use the pulpit for campaigning, as other bishops have said that has a point,”ayon kay CBCP president Bishop Pablo Virgilio David sa kanyang pastoral letter sa ika-36 anibersaryo ng Edsa People Power Revolution.

Sinabi ni David na may ibang venue ang mga pari para ihayag ang kanilang supprta sa isang kandidato.


“We have to be more respectful. Because there are so many venues. There are many venues for expressing one’s political opinion but in the pulpit the foremost is the word of God and what is the implication of upholding truth, justice, and peace,” giit ni David

Gayunman,sinabi ni David na inire-respeto niya ang posisyon ng mga pari at madre dahil sila ay citizen rin ng bansa na ang karapatan ay ginagarantiyahan ng Konstitusyon.

“The State has no business putting up a religion or favoring one religion against another. Well on the other hand you can only say the Church has no business putting up a State,” dagdag ni David.

Idinagdag pa ni David na ang mamamayan ay dapat na sangkot sa buhay pulitiko ng lipunan.


Nagpahayag rin naman ng pagkadismaya si David sa nangyayaring manipulasyon, cover-up, repression at pag-abuso sa katotohanan sa kampanyahan para sa nalalapit na halalan.

Hinimok rin ng CBCP ang mga Katoliko, partikular na ang mga kabataan, na suriing maige kung ano ang nangyayari sa bansa para makita ang buong katotohanan. (Jaymel Manuel)

Tags:

You May Also Like

Most Read