Latest News

PARI, 20 IBA PA NAHULOG SA HANGING BRIDGE

NAHULOG sa ilog ang isang pari at dalawampu pang kasama nito nang bumigay ang isang hanging bridge sa Sitio Tabuk, Barangay Poblacion, Bulalacao, Oriental Mindoro habang tumatawid kahapon ng umaga .

Sa ulat na ibinahagi nni Bulalacao Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) chief Milet Osorio, nagana pang insidente bandang alas-9 ng umaga.

Lumitaw sa pagsisiyasat na tumatawid sa tulay ang parish priest ng bayan at 20 ibang taong patungo sa Sitio Tabuk para magdaos na misa kaugnay sa pagdiriwang ng kanilang town fiesta.

Sinasabing habang binabagtas ang hanging bridge ay biglang naputol ang kable sa kabilang gilid ng tulay kaya tumagilid ito.

Dahilan para mahulog ang mga taong naglalakad maliban duon sa mga nakapaglambitin sa tulay.

Mabilias naman nailigtas ang mga nahulog sa tulay kabilang ang ilang bata.

Sinasabing may kalumaan na ang hanging bridge na posibleng dahilan kung bakit naputol ang kableng sumusuporta rito

Nabatid na nasira na rin ito nuong taong 2019 nang manalasa ang bagyong Ursula subalit hindi kaagad sumailalim sa rehabilitasyon. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read