Hinikayat ng Department of Justice (DOJ) ang mga magulang at guardian na magpatupad ng parental control sa kanilang mga anak sa paggamit ng internet para ma-proteksiyunan sila laban sa pang-aabuso sa online.
Sa ginanap na ‘Bagong Pilipinas Ngayon’ public briefing, sinabi ni DOJ Undersecretary-in-Charge of the Inter-Agency Council Against Trafficking Felix Ty n ,ang mga magulang ang unang makakatulong sa kanilang mga anak kasunod ng tumataas na insidente ng ng Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC).
“Napakahalaga ng parental monitoring. Sabi nga nila, everything starts at home, so ang mga magulang, hindi natin dapat i-take for granted ang mga peligro diyan sa internet. So ang parental controls, as much as possible, ma-implement natin yan,” ani Ty.
Nabatid na maraming mga bata ang nambibiktima nang pang aabuso sa online ng mga nakikilala nila sa social media platform.