INIHAYAG ng pamunuan ng Philippine National Police na pinasimulan na nila ngayong umaga ang implementasyon ng rerouting scheme bilang paghahanda sa inauguration ni President elect Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos, Jr. sa darating na June 30, 2022 bilang bahagi ng inilatag na security plan.
Bahagi sa pagtiyak na magiging maayos ang makasaysayang panunumpa sa tungkulin ni PBBM bilang ika-17 Pangulo ng bansa ay sinimulan nang isara nitong Linggo ang ilang kalsada sa paligid ng National Museum sa lungsod ng Maynila, gayundin ang Padre Burgos Avenue na nasa harapan ng Pambansang Museo .
Kasabay ding isinara ang mga kalye sa kanto nito, kabilang ang Finance Road, Maria Orosa Street mula TM Kalaw hanggang P. Burgos, at General Luna Street mula P. Burgos hanggang Muralla Street.
Sa mismong araw ng inagurasyon, Hunyo 30, isasara na rin simula alas-4 ng umaga ang Ayala Boulevard at ang Victoria Street mula Taft Avenue papuntang Muralla Street.
Muling bubuksan ang mga isinarang kalsada pasado alas-11 ng gabi ng Hunyo 30.
Isasara rin sa trapiko ang Roxas Boulevard mula Buendia hanggang P. Burgos mula alas-5 ng umaga hanggang alas-ng hapon sa Hunyo 30.
Makakapasok ang mga dadalo sa inaugural venue sa dalawang entrada sa P. Burgos—sa kanto ng Gen. Luna Street kung galing Roxas Boulevard at Victoria Street kung galing Taft.
Bukod sa paligid ng National Museum, sarado rin simula hatinggabi ng Hunyo 29 hanggang gabi ng Hunyo 30 ang Mendiola Street na malapit sa Malacanang Palace.
Isasara naman simula ala-1:00 ng hapon ng Hunyo 30 ang Legarda Street sa kanto ng Mendiola, mula San Rafael hanggang Figueras Street.
Sarado rin simula alas-4 ng umaga ng Hunyo 30 ang Jalandoni Street sa may Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.
Mananatiling bukas sa araw ng inagurasyon ang Taft Avenue na nasa kanto ng P. Burgos.
Ayon sa MMDA, maaaring daanan ng mga sasakyan bilang alternatibong ruta ang UN Avenue at Kalaw Avenue patungong Roxas Boulevard o Taft.
Padadaanin naman ang mga truck mula South Luzon Expressway (SLEX) sa Osmeña Highway papuntang Quirino Avenue at sa Nagtahan, Lacson, Yuseco, at Capulong patungong Road 10.
Nauna nang sinabi ng MMDA na patuloy ang kanilang clearing operations sa mga magsisilbing alternatibong ruta.
Kasabay ng pagsasara ng mga pangunahing lansangan malapit sa National Museum ay tuloy-tuloy ang isinasagawang simulation exercises ng pulisya, militar, coast guard, bombero, at iba pang security agencies ng gobyernong magbabantay sa seguridad sa mga nalalabing araw bago ang inagurasyon.
Kaugnay nito , umapela si PNP Director for Operations Police MGen. Val De Leon sa publiko ng pang-unawa para sa mga maaapektuhan ng ipinatutupad na rerouting.
Maliban sa latag ng seguridad, titiyakin din ng PNP na magiging maayos ang latag ng trapiko sa National Museum na pagdarausan ng inagurasyon.
Ayon kay MGen. Val De Leon, batid nilang pawang busy roads ang palibot ng National Museum kaya sinisikap nilang walang maging problema sa inagurasyon.
Samantala, naglabas ng listahan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga isasarang kalsada para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr., sa Huwebes, Hunyo 30.
SCHEDULE OF ROAD CLOSURES:
JUNE 26, at 12:01 AM to JUNE 30, 11:00 PM:
• Padre Burgos Avenue
• Finance Road
• Ma. Orosa Street – from TM Kalaw to P. Burgos
• General Luna Street – from P. Burgos to Muralla Street
JUNE 30, 4:00 AM to 11:00 PM:
• Ayala Boulevard
• Victoria Street – from Taft Avenue to Muralla Street
REROUTING OF PUBLIC UTILITY AND PRIVATE VEHICLES
• Northbound vehicles coming from Roxas Blvd. should turn right at U.N. Avenue or Kalaw Avenue, then turn left at Taft Avenue to reach the point of destination.
• Eastbound vehicles coming from Roxas Blvd. should turn left at Kalaw Avenue or U.N. Avenue, then turn right at Taft Ave. to reach the point of destination.
RE-ROUTING OF TRUCKS
Northbound
• All northbound trucks coming from South Luzon Expressway (SLEX): take Osmeña Highway, turn left at Quirino Ave. then turn right at Roxas Blvd., go straight to Bonifacio Drive going to the point of destination. However, Roxas Blvd (from Buendia to P. Burgos) will be closed to traffic on June 30 from 5:00 AM to 5:00 PM.
• Another alternate route for northbound trucks: from SLEX, go straight ahead to Osmeña Highway then turn right at Quirino Avenue, go straight to Nagtahan St. and to Lacson Avenue, then turn left at Yuseco St., go straight ahead to Capulong St. then turn right to R-10 Rd. to reach the point of destination.
Southbound
• All southbound trucks: from Bonifacio Drive, go straight to Roxas Blvd., turn left at Quirino Avenue, then turn right at Osmeña Highway and go straight to SLEX to reach the point of destination. However, Roxas Blvd (from Buendia to P. Burgos) will be closed to traffic on June 30 from 5:00 AM to 5:00 PM.
SCHEDULE OF ROAD CLOSURES:
JUNE 29, 12:01 AM to JUNE 30, 11:00 PM:
• Mendiola Street
JUNE 30, 4:00 AM TO 11:00 PM:
• Jalandoni Street, PICC, Pasay City
JUNE 30, 1:00 PM to 11:00 PM:
• Legarda Street – from San Rafael to Figueras Street
RE-ROUTING OF PUBLIC UTILITY AND PRIVATE VEHICLES
• All vehicles intended for Jalandoni St. may take Atang Dela Rama or Roxas Blvd.
• All vehicles coming from Sampaloc area Earnshaw St. intending to pass through Legarda St. should turn left at Manrique St. to reach the point of destination.
• All vehicles coming from Sta. Mesa area via Legarda St. intending to pass through Mendiola St. should turn right at M.F. Jhocson St., left at Lardizabal St. to reach the point of destination.
• All vehicles coming from P. Casal St. intending to pass through Mendiola St. should turn left at Arlegui St. to reach the point of destination.
• All vehicles coming from Quezon Blvd. and C.M. Recto Ave. intending to pass through Mendiola St. should turn left at N. Reyes St. or right at S. H. Loyola to reach the point of destination.
ALTERNATE ROUTES FROM NORTH TO SOUTH OF METRO MANILA
• From R-10 via C3, Sgt. Rivera St., Araneta Avenue to reach the point of destination
• From McArthur Hi-way and NLEX via EDSA to reach the point of destination
• From Balintawak via Metro Manila Skyway to reach the point of destination
ALTERNATE ROUTES FROM SOUTH TO NORTH OF METRO MANILA
• From Roxas Blvd. via EDSA to reach the point of destination
• From SLEX via C5 to Congressional Avenue going to Mindanao Avenue to reach the point of destination
• From SLEX via EDSA to reach the point of destination
• From SLEX via Metro Manila Skyway to reach the point of destination
Bukod sa puwersa ng PNP traffic management units ay magtatalaga rin si MMDA Chairman, Romando Artes ng 2,000 personnel para magmamando ng trapiko at magsagawa ng clearing operations. (VICTOR BALDEMOR)