Latest News

Para matiyak na magkakaroon ng safe and peaceful election… PERSONNEL NG IBAT-IBANG MILITARY HQ, IDE-DEPLOY

PINAG-AARALAN na ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagde-deploy ng mga tauhan mula sa iba’t ibang military headquarters para tumulong sa pamahalaan na makapagdaos ng ligtas at mapayapang May National and Local elections.

Ayon kay Col Jorry Baclor, AFP Public Information Office chief, ang mga military personnel na gumaganap ng mga non-combat missions ay maaaring atasan na magsagawa ng election duties bago, habang at matapos ang National and Local Elections sa May 9, 2022.

Layunin nito na matutukan pa nang husto ng AFP ang kanilang pangunahing mission na malupig ang local armed threats.


Base sa Commission on Elections (COMELEC) Resolution No. 10470, ang AFP ay kabilang sa mga deputized na ahensya at instrumentalidad ng gobyerno na naatasan para tiyakin ang free, orderly, honest, peaceful at credible elections.

Subalit sa likod nito, tuloy-tuloy pa rin ang mga sundalo sa pagsasagawa ng kanilang internal security operations at iba pang mga tungkulin at responsibilidad.

Kabilang sa mga election duties ng military personnel ay pagkakaloob ng seguridad sa polling places, voting centers, canvassing centers, at election paraphernalia. Magsisilbi rin silang security personnel sa mga authorized COMELEC representatives.

Ang AFP ay maari ding magkaloob o magpagamit ng kanilang mga land, air, and water-craft assets, communication systems, at iba pang equipment para suportahan ang logistical requirements ng COMELEC, lalo na sa mga liblib na lugar.


Katuwang ang iba pang law enforcement agencies ay tututukan din nila ang presensya ng mga armed group na binuo para maghasik ng terorismo, karahasan at mga pagbabanta sa mga indibidwal para maimpluwensyahan ang kanilang mga boto.

Ang mga sundalo na itinalaga sa election duties ay maaari ding tumulong sa pagpapatupad ng election laws, lalo na sa pagpapatupad ng prohibition kontra sa mga military, policeman, at provincial guards na umaktong mga bodyguards o armed goons ng mga kandidato, at pagpapatupad gun ban o pagdadala ng baril at mga deadly weapons sa public places.

Nitong nakalipas na buwan, ang AFP, kasama ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG), ay bumalangkas ng joint legal cooperation mechanism para tutukan ang mga lawless groups bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan nan a matiyak ang peaceful and orderly elections.

Layunin ng Joint Letter Directive (JLD) No. 01-2022 na palakasin ang koordinasyon ng mga kinauukulang ahensiya sa building-up cases, ang investigation at pag-usig sa mga lider, miyembro at supporters ng mga threat groups at ng kanilang mga financiers. (VICTOR BALDEMOR)


Tags:

You May Also Like

Most Read