Papua New Guinean national, todas sa tongue cancer

Wala nang buhay nang madiskubre ng kanyang tiyuhin ang isang 38-anyos Papua New Guinean national, kamakalawa ng madaling araw sa tinutuluyan nitong condominium sa Sta.Cruz, Maynila.

Kinilala ni PSMS Jansen Rey San Pedro ang biktimang si Alphones Hengenes, nanunuluyan sa Unit 12-1 Avida,Tower,Sta. Cruz,Maynila.


Ayon kay Joel Utame,32,Papua New Guinean national din at tiyuhin ng biktima, inabutan niya si Hengenes na wala nang buhay.

Napag-alaman na noong Disyembre 17, 2022 ay na-diagnose ang biktima na may tongue cancer sa Chinese General Hospital at mula noon ay nagpabalik-balik na sa pagamutan ang biktima hanggang sa bawian ng buhay. (Philip Reyes)


Tags: Papua New Guinean national

You May Also Like

Most Read