Papal Nuncio sa publiko: Pagkakawanggawa, isabuhay

UMAPELA si Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa publiko na isabuhay ang pagkakawanggawa.

Sa isinagawang Alay Kapwa Telethon ng Caritas Manila katuwang ang Radio Veritas ang media arm Archdiocese of Manila nitong Lunes Santo, binigyang-diin ni Brown na sa tuwina ay nangunguna sa pagtulong sa mga nangangailangan ang charity organizations ng simbahan maging sa iba’t ibang panig ng mundo.


Hinihikayat din naman ni Brown ang mananampalataya na makiisa at makibahagi sa telethon para sa mga mahihirap na pamayanan lalo na ang mga biktima ng kalamidad.

“From the very beginning we as Christians trying to help one another and help our less fortunate brothers and sisters to acts of charity. I know that Caritas Manila is having their telethon today, I will certainly encourage everyone to be as generous as possible,” ayon sa papal nuncio.

Giit pa ng arsobispo, ang sama-samang pagtulong ay bahagi rin ng Kristiyanong pananampalataya at pananagutan sa mga nangangailangan.


Bukod sa Caritas Manila, Caritas Philippines, ilang pang kaanib na miyembro ng Caritas Internationalis ang nangunguna sa pagsaklolo sa mga nangangailgnan.

“In Manila, in the Philippines, and throughout the entire world, Caritas was absolutely the first to help on the ground in many cases with respect to typhoon Odette. I saw that when I was there in Siargao,” dagdag pa ng kinatawan ng Vatican.


Ang Caritas Manila ay ang social aram ng Archdiocese of Manila, habang ang Caritas Philippines ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ay bahagi ng 160 bansang ng Caritas Internationalis na kasalukuyang pinangungunahan ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle-na siya ring Prefect of the Dicastery of Evangelization of People’s.

Inihayag ng arsobispo na bukod sa pananalangin, at pag-aayuno ay mahalagang makibahagi ang bawat isa sa pagkakawanggawa bilang bahagi ng paghahanda ng sambayanang Kristiyano sa pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.


Paliwanag pa ng nuncio, pangunahing pinaghahandaan ng simbahan sa Kuwaresma at Mahal na Araw ang kagalakan sa muling pagkabuhay ni Hesus dahil sa kaniyang paglalaan ng buhay sa pagtubos ng kasalanan ng sangkatauhan.

Bilang pakikiisa at munting pagsasakripisyo sa pag-ibig ng Diyos ay ang pagtulong sa mga higit na nangangailangan.

“Everything that we have, that we possess is a gift from God. It’s God’s gracious presence in our lives that gives us material goods and we should proud to share that with others, to help others,” aniya pa. (Jaymel Manuel)



Tags: Philippines Archbishop Charles John Brown

You May Also Like