Panukalang kaugnay sa paglikha at pagpapalit ng official seals at logos sa mga ahensya ng pamahalaan isinusulong ni Sen. Binay

By: MARK ALFONSO

ISINUSULONG ni Senador Nancy Binay ang isang panukala kaugnay sa paglikha at pagpapalit ng official seals at logos sa mga ahensya ng pamahalaan.


Ayon kay Binay, layunin ng kanyang inihaing Senate Bill No. 2384 na maamyendahan ang Republic Act No. 8491 at mapagtibay ang alintuntunin sa paglikha, modipikasyon at pagrerehistro ng official seals sa mga ahensiya ng gobyerno.

“Hindi po basta basta ang rebranding at ang pagbabago ng logo. We need to ensure that official seals and logos convey national ideals and traditions that express the principles of sovereignty and national solidarity,” wika ni Binay.

Inihalimbaw ng senadora ang pagpapalit-palit ng seals o logo ng kanilang mga ahensiya kabilang ang Philippine Eagle sa P1,000 perang papel ng Bangko Sentral at ang pagbabago sa logo ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) na naging kontrobersyal at umani ng mga negatibong puna.


Para kay Binay, sa kabila na may ginawang mga pag-aaral kaugnay rebranding o pagpapalit ng logo ay dapat na maging permanenteng bahagi ang National Historical Commission of the Phils. (NHCP) hinggil sa proseso ng redesign upang matiyak na akma at nasa ayos ang logo ng ahensya ng pamahalaan kaakibat ang pag sang-ayon ng Kongreso bago ilabas sa sirkulasyon.

“Tinanggal na natin ang mga bayani sa ating pera. Parang sinasabi nating ‘our martyrs and heroes are no longer worth our money’. ‘Yung design ng pera hindi dapat BSP o Malacanang lang ang magde-decide. ‘Yung magpalit nga ng name ng school at kalsada kailangan may congressional imprimatur at NHCP approval dahil meron ‘yan relevance at implications sa culture at history, and there’s a higher purpose than just having the names changed. Ganyan din sa ating legal tender—there’s a higher purpose to what image or content should be printed on notes and coins,” punto pa ni Binay.


Tags: Senador Nancy Binay

You May Also Like