BALIK-PINAS na si Lovi Poe at balik-taping agad sa FPJ’s Batang Quiapo matapos ang ikasal kay Monty Blencowe sa UK kamakailan.
Kaya walang katotohanan na papalitan na siya bilang leading lady ni Coco Martin sa TV series.
Magmula raw nang makabalik na si Lovi ay halos araw-araw na ang kanyang taping.
Kaya giit ng netizens, hinding-hindi raw papalitan ni Tanggol (Coco) si Mokang (Lovi) sa kanyang puso.
Kahit daw naipagbili na ni Mokang ang sarili para sa operasyon ng ama ay tanggap siya ni Tanggol huwag lang daw siya pakasal kay Ramon (Christopher debLeon), na hindi alam ni Tanggol ay kanyang ama.
Ang tanong? Matuloy kaya ang kasal ni Mokang at Ramon?
Inip na rin ang viewers kung kailan magkakaharap ang mag-ama.
At ano naman daw kaya ang papel ni Ivana Alawi sa BQ.
Yan ang pakakaabangan ng avid viewers ng Tanggol-Mokang teleserye.
Samantala, kabilang sina Lovi at Coco sa mga artistang magtatanghal sa “ASAP Natin ‘To” sa Milan, Italy.














