Panibagong suspensyon sa BSKE, makaaapekto sa ibang halalan

MAAAPEKTUHAN rin ang iba pang mga susunod na halalan kung sususpindihin ng mga mambabatas ang darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Disyembre, ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson John Rex Laudiangco.

“Definitely, the postponement, coupled with a re-setting or re-scheduling of any priorly-scheduled (by law) electoral exercise has a potential to impact preparations and activities of succeeding elections,” ayon kay Laudiangco kahapon.


Mas magiging malaki umano ang epekto nito sa maaga nilang pagpaplano at paghahanda para sa pagsasagawa ng National at Local Elections (NLE) sa Mayo 12, 2025.

Sa kabila nito, handa naman umanong sumunod ang komisyon kung makapagpapasa ng batas para sa suspensyon ng BSKE sa Disyembre 5.

Samantala, tiniyak rin ni Laudiangco base sa ulat ni Atty. Martin B. Niedo, Director IV ng Finance Services Department, na nasa kaban pa ng Comelec ang nasa P8,441,280,000.00 pondo na gagamitin sa BSKE.


Maliban umano dito ang maliit na halaga na nagastos sa ilalim ng Maintenance and Other Operating Expenses na aabot lamang sa P225,360.

Ito ay makaraan na palutangin ng ilang sektor na inuumpisahan nang gamitin ang naturang pondo ng Comelec para sa paghahanda sa halalan sa Disyembre.


“Any procurement of goods will not be of waste should the postponement be approved into law, as the same may be used in the new date of BSKE, if any, similar to what the Commission had done for the 2018 BSKE wherein we used ballots and accountable forms which were dated October 23, 2017 for the May 14, 2018 BSKE,” saad ni Laudiangco. (Jaymel Manuel)


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like