ISA na namang balasahan ang ipinatupad ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga senior police officers nito.
Kasama sila sa mga nasapul sa panibagong rigodon na ipinatupad ni Director for Personnel and Records Management Police Major General Robert Rodriguez sina Police BGen Roderick Mariano na itinalagang acting Director ng Southern Police District
Si Police BGen. Kirby Kraft na dating pinuno ng SPD ay ginawang acting Regional Director ng CARAGA, habang si Police BGen. Rizalito Gapas ay itinalaga bilang acting District Director ng Northern Police District
Si Police BGen. Nicolas Salvador ay itinalagang acting Director for Plans ng PNP, habang si Police BGen. Ponce Peñones, Jr., ay inilipat bilang Acting Chief ng Legislative Affairs Center ng Directorate for Plans.
Base sa direktiba na may petsang Hulyo 17 , 2023 kamakalawa ang effectivity ng panibagong re-assigment ng mga nabangit na opisyal.














