PANIBAGONG P29 PER KILONG BIGAS SA NIA-KADIWA STORES

By: Victor Baldemor Ruiz

IKINAKASA muli ng National Irrigation Administration(NIA) ang pagbebenta ng mga bagong-aning bigas sa mga itinatag na NIA- KADIWA Stores.

Ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, bahagi ito ng bagong programa na ‘rice contract farming’ kasama ang mga magsasaka sa iba’t- ibang mga rehiyon.

Sinasabing magiging bahagi ito ng bigas-P29 ng pamahalaang PBBM.


Ang naturang programa ay umaalalay at sumusuporta sa mga magsasaka mula sa production input o pagtatanim hanggang sa pag -aani at pagbebenta ng mga ginapas na palay.

Ngayong buwan ay inaasahang maisasakatuparan ang rollout para sa murang bigas. Ang mga bagong aning bigas ay sumasailalim sa repacking at inihahanda ng NIA Cavite-Batangas at NIA Quezon Irrigation Management Offices bago ihatid sa mga KADIWA Center.

Sa mga Kadiwa stores naman ibebenta sa halagang P29 kada kilo ang mga bagong aning bigas kung saan prayoridad ang mga senior citizen, solo parents,at mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Dagdag pa ni Administrator Guillen, bahagi ito ng kanilang mga programa na layuning masuportahan ang hangarin ni PBBM na magkaroon ng murang bigas sa merkado na maaaring bilhin ng mga konsyumer lalo na ng mga maralita.


Tags: National Irrigation Administration (NIA)

You May Also Like

Most Read