Latest News

PANIBAGONG BALASAHAN SA PNP, NAKAAMBA

By: Victor Baldemor Ruiz

INAASAHAN na ngayon ang panibagong bugso ng balasahan sa hanay ng mga senior officers ng Philippine National Police (PNP).

Mismong si PNP Chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang nagsabing may nakatakdang balasahan sa organisasyon, kasunod ng pagreretiro ni PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia nitong nakalipas na linggo


Bunsod ng nabakanteng pwesto ni Sermonia na nagretiro noong Biyernes ay lumikha ito ng bakanteng posisyon na pagmumulan ng galawan sa hanay ng mga senior police officials.

Sa kasalukuyan ay wala pang inihahayag na kapalit sa nabakanteng pwesto ni Sermonia bilang Number 2 man ng PNP, ang pinakabatang miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ’89.

Ilan sa mga opisyal na inaasahang posibleng humalili ang Number 3 man ng PNP na si Police Lt. Gen. Michael John Dubria na kasalukuyang PNP Deputy Chief for Operation at Police Lt. Gen. Emmanuel Peralta na Chief Directorial Staff at No. 4-man ng PNP.


Sinuman ang umakyat ng puwesto ay tiyak na may domino effect’ gaya ng sino ang posibleng ilagay bilang Chief Directorial Staff (TCDS) na maiiwang bakante sa pag akyat ni Peralta.

Una nang sinabi ni Acorda na maraming bakante ngayon para sa promosyon ng mga pulis.


Nabatid na bukod sa inaasahang malawakang reshuffle ay binabatayan din ang pagpapatupad ng PNP reorganization law.

Sa ilalim ng nasabing batas ay sinasabing gagawing mga major general ang pahahawakin ng ilang Support Units sa Camp Crame, habang sa mga Area Police Command (APC) naman, ang mga itatalagang deputy chief nito ay kailangan na mga brigadier general lamang subalit hawak ngayon ng major general.


Nabatid na kasalukuyang pinag-aralan na rin ng Directorate for Personnel and Record Management ang pagpwesto ng mga opisyal sa mga bakanteng pwesto sa Pambansang Pulisya.

Halos dalawang buwan ang nakalilipas ay may tatlong senior PNP officers ang inilipat ng kani-kanilang mga puwesto na kinabibilangan nina PNP Retirement and Benefits Administration Services head Brig. Gen. Andre Dizon na ginawang PNP-PRO5 Director.

Kapalit ni Brig. Gen. Westrimundo Obinque, na ginawang acting director of the Directorate for Research and Development ay na-promote naman si



Col. Leon Victor Rosete, na nakatalaga sa Integrity Monitoring and Enforcement Group bilang pinuno ng PRBS.

Tags: Philippine National Police (PNP)

You May Also Like