Latest News

PANGGUGULO NG NPA SA SEMANA SANTA NAPIGILAN NG EASTMINCOM; 3 REBELDE NA-NEUTRALIZE

NASUPIL ng AFP Eastern Mindanao Command ang pagtatangka ng New People’s Army (NPA) na maglunsad ng karahasan sa paggunita ng Semana Santa, nang nakasagupa ng communist terrorist group ang puwersa ng 4th Infantry Division at 10th Infantry Division sa Davao at Caraga Region.

Ayon kay Eastern Mindanao Command (EastMinCom) commander LtGen. Greg Almerol. dalawang NPA ang napatay sa bayan ng Lanuza, Surigao delSur at Davao na masabat sila ng Army 36th Infantry sa Barangay Agsam, bayan ng Lanuza, Surigao del Sur.


Narekober sa lugar ang dalawang armas, na kinabibilangan ng AR 15 Assault Rifle at CZ 858 rifle na pinaniniwalaang sandata ng dalawang napatay na NPA mula sa Guerilla Front (GF) 30, North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC na kinilalang sina Dexter Maca Emba at Laig Catapte.

Bago ang nasabing sagupaan ay nahuli din ng mga tauhan ng 701st Brigade, 66th Infantry Battalion ang isnag NPA nang masabat nila ang mga tauhanng Regional Operations Command (ROC) at GF2, Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) ng CPP-NPA sa Marangig Falls, Brgy. New Albay, Maragusan, Davao de Oro, kung saan nadakip ang isang alias Darwin, Squad Medic ng Primera, ROC.

Itinuro ni Darwin ang pinagbaunan nila ng M14 rifle, Improvised Explosive Device (IED), at iba pang war materiel.


“We are thankful for the support and information given by the locals and communities of Lanuza, Surigao Sur. This articulates that the growing support of the communities is a response that they don’t want the Communist Terrorist Group in their area,” sabi pa ng opisyal.

Kasabay nito ang kanyang panawagan sa mga natitirang rebelde na sumuko na lamang at magbalik-loob sa pamahalaan. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: New People’s Army (NPA)

You May Also Like