Latest News

Pangarungan, Garcia at Neri na bypass sa CA

Hindi kinumpirma ng Commission on Appointments (CA) ang tatlong matataas na opisyal ng Commission on Elections (Comelec) .

Kabilang sa na-bypass ang kumpirmasyon ay sina Comelec Chairman Saidamen Pangarungan at Comelec Commissioners George Garcia at Aimee Torrefranca-Neri na pawang ini-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senator Migs Zubiri, ng CA ,ito umano ay para bigyang-daan si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng pagkakataon na makapag-appoint ng mga opisyal para sa naturang posisyon.


Sanhi ng pagka-bypass. ang interim appointments ng mga nabanggit na opisyal ay hanggang sa Hunyo 30 na lamang kasabay ng huling araw sa puwesto ni Duterte.

Kaugnay nito,maging sina Commission on Audit chairperson Rizalina Justol at Civil Service Commission Chairman Karlo Nograles ay na-bypass rin ang kumpirmasyon.

Unang sinabi ni Zubiri na marami sa mga papasok na cabinet members ni Marcos ang humiling na mabigyan ito ng pagkakataon na makapag-appoint ito ng mga sarili niyang opisyal. (Anthony Quindoy)


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like

Most Read