PANGAKO NG US SA PILIPINAS, MULING PINAGTIBAY SA PAGBISITA NI US SECRETARY OF WAR

By: Jesse Ruiz

Kasunod ng napakatagumpay na pagbisita ni Kalihim ng Digmaan ng Estados Unidos Sec. Pete Hegseth sa Cebu para sa ASEAN Defense Ministers’ Meeting-Plus, inihayag ni U.S. Ambassador Lee Lipton to the People of the Philippines ang kanyang kagustuhan na muling pagtibayin ang pangmatagalang pangako ng Estados Unidos sa Pilipinas at ang ating iisang pananaw para sa isang mapayapa, ligtas at maunlad na rehiyong Indo-Pasipiko.

Ayon kay Ambassador Lipton, ang pamumuno ni Kalihim Hegseth sa Department of War at ang madalas niyang pakikipagpulong sa ating mga katuwang sa Timog-Silangang Asya ay nagpapakita ng determinasyon ng administrasyong Trump na palakasin ang mga alyansa, palalimin ang kooperasyong panrehiyon at tiyaking sinusuportahan ng lakas ang kapayapaan.


Sinabi pa ng U.S envoy na binibigyang-diin ng pagbisita ni Hegseth sa bansa ang tunay na kahalagahang ibinibigay ng Estados Unidos sa Timog-Silangang Asya at sa pambihirang alyansa nito sa Pilipinas.

“Hindi matitinag ang aming pangako sa seguridad ng Pilipinas. Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nakabuo ang Estados Unidos at Pilipinas ng matatag na ugnayang nakabatay sa mga pinagsasaluhang prinsipyo, paggalang sa isa’t-isaat di-natitinag na pangako sa katatagan ng rehiyon,”ani Amb. Lipton

Dagdag pa nito, naipakikita ang matibay na ugnayang ito bawat taon sa pamamagitan ng daan-daang magkasanib na pagsasanay at aktibidad sa pagsasanay, daan-daang milyong dolyar na tulong pangseguridad mula sa Estados Unidos, pinalawak na mga kooperatibong aktibidad sa karagatan, suporta sa pagtugon sa mga sakuna, tulong sa pampublikong kalusugan at madalas na pakikipagpulong ng matataas na pinuno ng ating mga sektor ng depensa at seguridad.


Sa paggunita natin sa ika-75 anibersaryo ng Mutual Defense Treaty ng Estados Unidos at Pilipinas, malinaw ang aming mensahe: mas matatag ngayon ang ating alyansa kaysa dati. Matatag kaming naninindigan kasama ng sambayanang Pilipino sa pagtatanggol sa soberanya, pangangalaga sa integridad ng teritoryo at pagtataguyod ng kalayaan sa paglalayag na kapwa nating inaasahan para sa masiglang pandaigdigang kalakalan, sabi pa ng U.S Envoy.

Pabor din umano ang US sa ag unlad ng ekonomiya ng Pilipinas. “Naniniwala rin kami na ang ating pakikipagtulungan sa larangan ng seguridad ay dapat tumbasan ng isang kapantay na matatag na ugnayang pang-ekonomiya.”


“ Sinusuportahan ng Estados Unidos ang pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas at naniniwalang mahalaga ang patas at kapwa kapaki-pakinabang na kalakalan sa pagkamit ng pinagsasaluhang kaunlaran,’ dagdag pa nito.

Ipinagmamalaki ng Estados Unidos na ituring ang Pilipinas bilang isang kaalyado, katuwang, at kaibigan. Ang ating ugnayan ay hindi lamang nakabatay sa mga kasunduan o magkakatulad na estratehikong interes; isa rin itong matibay na buklod sa pagitan ng ating mga mamamayan na patuloy na lumalakas sa bawat araw, ayon pa sa inilabas na pahayag ng US Embassy kahapon.


Tags: U.S. Ambassador Lee Lipton

You May Also Like

Most Read