Magsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Justice (DOJ) laban sa mga indibiduwal na responsable sa pang-aabusong ginawa laban sa mga bata at taga-suporta ng kultong Socorro Bayanihan Services Inc. sa Surigao del Norte.
Ito ay matapos ang naging pahayag ni Justice Assistant Secretary at spokesperson Atty. Mico Clavano, na kumumpirma na may panel ng prosecutors ang nagsasagawa ng clarificatory hearing bilang inisyal na hakbang para sa isang komprehensibong preliminary investigation.
“It is important to clarify that this is not yet a preliminary investigation, it remains a clarificatory hearing,” paglilinaw ni Clavano.
Ipinaliwanag ni Clavano na wala pang schedule ng preliminary investigation. Ito ay isang procedural requirement para linawin ang ilang isyu at makapag-establish ng tamang pahayag para makatiyak na magkakaroon ng preliminary investigation.
Gayundin, jang panel ng prosecutor ay nangangalap pa ng mga dokumento o suhestiyon para sa isang pinal na resolusyon.
Ayon ss records, inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) – Caraga Regional Office sa Butuan Cityna kasuhan ang mga cult officers at miyembro ng qualified trafficking sa ilalim ng Republic Act No. 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003), violation of RA 7610 (Anti-Child Abuse Law), kidnapping at serious illegal detention.
Kabilang sa pinakakasuhan ng NBI sina Jey Rence Quilaro,kilala bilang “Senior Agila,” Mamerto Galanida at 11 othe opisyal at miyembro ng kulto.
Gayunmam,sinabi ni Clavano na hindi maitakda ang PI dahil sa mga multiple motion para mag-inhibit ang prosecutors.
Ang alegasyon laban sa SBSI ay inihayag ni Senator Risa Hontiveros, kung saan may 1,000 bata ang inabuso mula noong Pebrero 2019.














