IBINABALA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pananakop ng bansang China sa Pilipinas sa sandaling mag-desisyon si Russian President Vladimir Putin na gamitin ang nuclear weapons sa pakikipag-giyera sa Ukraine.
Ang pahayag ay ginawa ni Duterte kasunod ng nagaganap na krisis sa Ukraine na nagsimula noong Pebrero 23.
“Kung talagang maipit si Putin at pindutin iyong pulang button, wala na. Then my thinking is…pag mag ganun ‘yan…China will invade… sa intelligence briefing, tatamaan talaga tayo,” ayon kay Duterte matapos na lagdaan ang ilang batas.
“That was my reason why them [Americans] are unrestricted [here]. Pipilitin ng mga Amerikano eh. Talagang brusko ang mga Amerikano,”ani Duterte.
Sinabi ni Duterte na maaring invisible ang nuclear attack.
“Hindi lang natin makita iyong nuclear, iyong long range bombers… baka napindot na kanina [ang button] rito sa South China Sea. It will reach our jurisdiction in seven minutes. Iyong hypersonic ano nila…so kasali tayo diyan. Let us not kid each other,”ayon pa kay Duterte .
“Kaya andito ang Amerika, that is the reason I gave the order to the military to allow them unrestricted [movement] para matapos… wag lang sana [na] iyong China [would resort to invasion],” dagdag ni Duterte.
Ayon kay Duterte, kasama niya ai Senator Bong Go at Defense Secretary Delfin Lorenzana nang sabihin ni Putin na ” we will try to help you, we will talk to China”.
Hindi umano nagtagumpay si Putin dahil hindi nakikinig ang China sa payo ninuman.
Ayon kay Duterte,talagang tatamaan ang Pilipinas ,pero hundi niya ipadadala ang sundalong filipino kung hilinhinnito ng ninumam na makilahok laban sa Russia.