Panalangin umano ng Hijos Del Nazareno Central na magliwanag ang isip ni Pura Luka Vega o Amadeus Fernando Pagente sa tunay na buhay.
Sinabi ito ni Alex Irasga, ang Technical Adviser ng grupo, kaugnay ng pagkaaresto sa drag queen sa kasong paglabag sa Article 201 of the Revised Penal Code – immoral doctrines, obscene publications and exhibitions, and indecent shows at Cybercrime Prevention Act of 2012 dahil sa drag performance nitong pag-awit ng punk rock remix version ng ‘Ama Namin’ habang nakadamit Nazareno.
Umaasa si Irasga na lubos na pagsisihan ni Pagente ang kalapastanganang ginawa sa Panginoon lalo sa pagkanta sa Ama Namin na nakasuot pa ng damit tulad ng kasuotan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Vega na nagkaroon ng fundraising para sa perang ipa-pampiyansa niya sa korte.
Ayon kay Vega, nakakolekta umano siya ng pera sa kanyang mga supporters para sa P72, 000 piyansang inirekomenda ng korte.
“I’m very grateful for them, for the continued support, apart from my personal faith. People think that I don’t believe in a Divine being but I do. I’m grateful for the people who are still around me and have been expressing their support,”ayon kay Vega.
Nanindigan rin si Vega na hindi makatarungan ang ginawang pag -aresto sa kanya at ang kanyang ginawa ay bahagi umano ng kanyang pagiging malikhain bilang artist.
Umaasa si Vega na makakalaya siya sa sandaling maisumite na ang mga kailangang dokumento sa korte.
Si Vega ay inaresto alas- 4 ng hapon ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 3 dahil sa arrest warrant na inisyu ng korte.














