Pamangkin, inundayan ng daksak ng tiyuhin, patay

Patay ang isang 57-anyos na “barge man” matapos undayan ng saksak sa dibdib ng kanyang tiyuhin,kamakalawa ng gabi sa loob ng bahay ng una sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Nasawi dahil sa tama ng saksak sa dibdib,ang biktimang si Ariel Roja,taga Blk 18 Lot 40 New site ,Baseco Compound,Port Area,Maynila.


Habang napigilan naman ni Dariel Roja,anak ng biktima na makatakas ang suspek na si Pedro Tabingo, 59, taga Manuel L Quezon St.Lower Bicutan,Taguig City.

Sa imbestigasyon ni James Balang,ng Manila Police District-homicide section,naganap ang insidente ,alas 8 ng gabi sa bahsy ng biktima.

Una umanong nag-inuman ang biktima at suspek at kasunod noon ay niyaya pa ng biktima na kumain ang tiyuhin.


Gayunman, sa hindi malamang dahilan ay biglang inundayan ng saksak sa dibdib ang nagulat na biktima.

Nahawakan naman ng anak ng biktima ang suspek at nakatawag sa pulisya ang isang residente sa lugar kaya tuluyang nadakip ang suspek.


Habang naisugod naman sa Kustice Jose Abad Santos General Hospital ang biktima pero hindi na naisalba ng mga doktor.

Sinampahan naman ng kasong murder sa Manila Prosecutor Office ang suspek. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide sectio

You May Also Like