Palparan, absuwelto

By: Philip Reyes

Inabsuwelto ng Malolos Regional Trial Court Branch 19 si retired Maj. Gen. Jovito Palparan at iba pa sa kasong kidnapping, serious illegal detention at serious physical injuries na isinampa ng pamilya ng MGA nawawalang magsasaka noong 2006.

Ang kaso ay nag-ugat sa unang reklamoNG inihain ng mga magsasakang sina Raymond at Reynaldo Manalo, may sampung taon na ang nakakalipas.


Naging kontrobersyal ang kaso nila Manalo dahil sa paglabag ng karapatan ng mga aktibista at progresibo noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Si Palparan ay sinampahan ng mga abogado mula sa National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), pati na ang mga magulang ng dinukot na kabataang aktibistang sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.

Si Palparan, na dating commander ng 7t Infantry Division ng Army sa Central Luzon, ay unang nahatulang guilty sa pangingidnap sa UP students na sina Cadapan at Empeño noon pang 2006.


Una nang nagamit ang testimonya ni Raymond Manalo upang matiyak ang “guilty” verdict sa abduction nina Karen at Sherlyn. Sinasabing nakaligtas sa 18-buwang torture ng militar si Raymond.

Ang dalawang Manalo ay dinukot noong Pebrero 2006 mula sa kanilang bukirin sa San Ildefonso, Bulacan.


Ayon kina Manalo, iginapos sila at piniringan bago ipasok sa likod ng isang L300 at pagkatapos ay binugbog ng grupo ni Palparan bago dumating ng Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.

Ito umano ang dahilan kung bakit umamin si Reynaldo sa diumano’y pagpatay sa 10 miyembro ng Philippine National Police (PNP).


Samantala, dismayado naman sina NUPL chairperson Edre Olalia, na tumatayo ring bahagi ng private prosecution team, sa ibinabang desisyon ng Malolos RTC.

Tags: Maj. Gen. Jovito Palparan

You May Also Like