Latest News

Palaui Island sa Cagayan bukas na muli sa turista

BINUKSAN nang muli sa mga turista matapos ang dalawang taon ,ang tanyag na Palaui Island sa Santa Ana, Cagayan.

Nabatid na isinara noong 2020 ang Isla sa kasagsagan ng COVID 19 pandemic kung saan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay naglabas ng P1 milyon pondo para tustusan ang emergency employment ng may 160 pamilya sa isla.

Pinangunahan ng DENR, Department of Tourism, Cagayan Economic Zone Authority, local government, at iba pang miyembro ng Protected Area Management Board (PAMB) ,ang ribbon-cutting ceremony bilang hudyat sa pagbubukas ng 8,048-hectare Palaui Island Protected Landscape and Seascape (PIPLS) sa Barangay San Vicente, Santa Ana,Cagayan.


Nabatid na ang PAMB ,ang decision-making body ng PIPLS, protected area na binigyan ng mandato sa Republic Act 11038, o expanded protected areas system law.

Ayon kay DENR Region 2 Executive Director, Gwendolyn Bambalan, ang pagbubukas ng PIPLS ay makakatulong sa pagrekober ng ekonomiya.

“The year, our department initiated the improvement of facilities in PIPLS with a budget of PHP4.7 million,” ani Bambalan. “With the influx of tourists, there should be an office dedicated to manage our environment and natural resources here.”

Ang dalawang accredited boat operators’ associations, anh San Vicente Motor Banca Association at Palaui San Vicente Motor Banca Association ,ang maghahatid sa mga pasaheeo sa Isla.


Sakop ng isla ang 1,008-hectare coral reefs, 472-hectare seagrasses at 102-hectare mangrove.

Naging tanyag ang isla matapos dito gawin ang dalawang season ng reality show “Survivor USA” at mayaposnna mapasama sa 10 top top 10 most beautiful beaches sa mundo ng CNN isang international broadcast network.

Kailangan na.mag prisinta ng vaccine card ang turista kapag nagparehistro at tanging iyong mga sinanay na tourist guides ang papayagan sa isla. (Anthony Quindoy)


Tags:

You May Also Like

Most Read