Latest News

Palasyo sa publiko: ‘Wag pasaway sa health protocols sa Holy Week

PINAALALAHANAN ng Malacañang ang publiko na inaasahang magbabakasyon sa iba’t-ibang lugar ngayong Semana Santa na panatilihing sundin ang minimum public health standards.

Sa harap na rin ito ng nakaambang panganib ng bagong variant na Omicron XE na posibleng makalusot sa bansa.

Sinabi ni acting Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na hangga’t maaari ay iwasan ang matataong lugar at gawin ang basic health protocols–paghuhugas ng kamay, gumamit ng face mask, at social distancing.

Mas mainam aniya na magtungo sa mga outdoor at iwasan ang mga kulob na lugar para makasigurong ligtas sa peligro laban sa COVID-19.

“Napakalaki ng bansang Pilipinas, we have over 7,600 islands, kung mayroon kayong mapupuntahan na outdoor, mas maganda siguro para hindi kayo nakukulong sa loob ng mga lugar na kakaunti ang bentilasyon,” dagdag ni Andanar.

Ipinaalala ng Palasyo na hindi pa COVID-free ang Pilipinas kahit bumababa na ang COVID cases kaya mahalaga ang pag-iingat para hindi malagay sa peligro ang kalusugan sa nananatiling banta ng COVID-19.

Tags:

You May Also Like

Most Read