By: JANTZEN ALVIN
Marami pang ‘persons deprived of liberty’ o PDLs ang palalayain bago matapos ang taong 2024.
Tiniyak ito ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla matapos ang ginawang pagpapalaya sa may 81 PDLs ng Bureau of Corrections (BuCor) mula sa iba’t -ibang piitan sa bansa.
Ang pinalayang PDLs ay bahagi ng 850 na pinalaya sa pagitan ng Hulyo 19, 2024 hanggang noong Agosto 30, 2024, kung saan ang iba ay nakalaya matapos na makumpleto ang kanilang sentensiya ,nakatanggap ng pardon o parole at makapag-avail ng good conduct time allowance (GCTA) benefits, o sa iba pang legal means.
“When I took the helm of the DOJ, the country’s penal facilities were at an all-time high in terms of population and congestion. However, with the unwavering efforts and dedication of the hardworking men and women of the DOJ and the BuCor, a modernized corrections system is now within reach,” ani Remulla.
Samantala, inanunsiyo rin ng Department of Justice (DOJ) na nasa 307% na ang nabawasang jail congestion noong 2022 at 239% naman nitong 2004, kasunod ng pagpapalaya sa may 11,940 inmates.














