NAPATAY sa bugbog ng kanyang kapwa palaboy ang isang 42-anyos na lalaki,kamakalawa ng gabi sa may panulukan ng Cornea St. at United Nation Avenue, Ermita, Maynila.
Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Philippine General Hospital (PGH), ang biktimang si Joselito Pidlaoan,residente ng 1340 Int.18 Burgos St.Paco,Maynila, habang nakatakas naman ang suspek na nakilalang si “Ian Ilongo” na naglakad patungo sa eskinita ng Tabacalera.
Ayon sa imbestigasyon ni PSSg John Paul Rojo,ng Manila Police District-homicide section ,naganap ang insidente pasado alas- 7 ng gabi sa nabanggit na lugar.
Sinabi ng testigong si Jerry na nakita niyang binubugbog ng suspek ang biktima at nang bumagsak ang biktima sa kalsada ay tumakas na ang suspek.
Isinugod naman sa pagamutan ng ilang by stander ang biktima.
Nalaman na ang biktima at suspek ay kapwa palaboy sa lugar.
Inaalam naman ng pulisya ang motibo sa pagpaslang sa biktima at patuloy na tinutugis ang suspek ng mga awtoridad para papanagutin sa krimen. (Philip Reyes)