Latest News

Palaboy, natagpuang patay sa Liwasang Bonifacio

By: Baby Cuevas

Patay na nang matagpuan ang isang 58- anyos na palaboy na pinaniniwalaang nasawi dahil sa iniindang karamdaman, kahapon ng umaga sa Liwasang Bonifacio, Plaza Lawton, Ermita, Maynila.

Ayon kay Anafrancia Toledo, 40, alas-9:40 ng umaga nang huli niyang makitang buhay ang biktimang si Danilo Heroche,ng Parola Compound,Tondo, habang hinahabol ang paghinga at nanghihina. Makalipas lamang ang 10 minuto ay natagpuan na niya itong walang buhay.

Samantala, dinala ang bangkay ng biktima sa punerarya para sa kaukulang awtopsiya.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read